Trahedya sa Semana Santa
Enjoying my lessons so far? Support my work by buying me a coffee here! It would really mean a lot. Thanks! ~Teacher Larry
Habang isinasagawa ang paggunita ng Semana Santa, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 30 insidente ng sakuna sa bansa. Kabilang dito ang mga kaso ng pagkalunod, banggaan ng sasakyan, at sunog sa iba't ibang rehiyon. Sa 18 na naitalang kaso ng pagkalunod, 15 ang nasawi habang isa lamang ang naiulat na makaligtas. Ang mga biktima ay binubuo ng matatanda at mga menor-de-edad. Sa kabila ng mga trahedya, itinuturing ng PNP na naging mapayapa ang kabuuang paggunita ng Semana Santa.
Naglabas ng paalala ang PNP sa publiko na mas paigtingin ang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan, lalo na ngayong tag-init kung kailan tumataas ang mga kaso ng pagkalunod. Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, dapat iwasan ang kapabayaan, lalo na sa pagbabantay sa mga bata malapit sa tubig. Mahalaga rin ang paggamit ng life vest at pag-iwas sa mga lugar na walang lifeguard. Aniya, kahit saglit na kapabayaan ay maaaring magdulot ng matinding sakuna.
I. Matching Type: Match the words on the left with their correct English translations on the right.
pagkalunod
sakuna
kaligtasan
paalala
makaligtas
biktima
banggaan ng sasakyan
sunog
kapabayaan
paggunita
a. accident
b. celebration
c. safety
d. drowning
e. reminder
f. victim
g. vehicle collision
h. to survive
i. fire
j. negligence
II. Fill in the Blanks. Use the words from the vocabulary matching list
pagkalunod, sakuna, kaligtasan, paalala, makaligtas, biktima, banggaan ng sasakyan, sunog, kapabayaan, paggunita
Mahalagang unahin ang __________ ng lahat lalo na tuwing bakasyon.
May 15 katao ang nasawi sa mga kaso ng __________ ngayong Semana Santa.
Ang mga __________ ay kinabibilangan ng mga bata at matatanda.
May dalawang ulat ng __________ sa Metro Manila at Cagayan Valley.
May naitalang mga kaso ng __________ sa iba’t ibang rehiyon.
Ayon sa PNP, huwag pabayaan ang mga bata upang maiwasan ang __________.
Isang bata lamang ang naiulat na __________ sa insidente.
Nagbigay ng __________ ang PNP para sa tag-init.
Ang __________ ng Semana Santa ay nanatiling mapayapa sa kabuuan.
Ang __________ kahit saglit ay maaaring magdulot ng trahedya.
III. Open-Ended Questions. Discuss your answers with your teacher.
Kung ikaw ang magulang ng isang bata, ano ang mga hakbang na gagawin mo upang maiwasan ang pagkalunod sa bakasyon?
Paano mo maipapaliwanag sa isang kaibigan ang kahalagahan ng pagsusuot ng life vest?
Ano ang gagawin mo kung makakita ka ng isang bata na nag-iisa sa tabing-dagat?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang may mga lifeguards sa mga pampublikong paliguan?
Kung ikaw ay bahagi ng PNP, anong kampanya o proyekto ang gagawin mo upang mapababa ang bilang ng mga sakuna tuwing bakasyon?
Thank you!
Source: https://qa.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2025/04/20/2436961/15-patay-sa-lunod-sa-semana-santa-pnp
Enjoying my lessons so far? Support my work by buying me a coffee here! It would really mean a lot. Thanks! ~Teacher Larry