Pakak na Graduation Outfit!
Enjoying my lessons so far? Support my work by buying me a coffee here! It would really mean a lot. Thanks! ~Teacher Larry
Screenshots from Bernadeth Flores Cutas.
Isang ina na si Bernadeth Flores Cutas ang rumampa sa graduation ng kanyang anak habang suot ang isang puting damit na talaga namang umagaw ng atensyon ng mga tao online. Ayon sa kanya, pinili niya ito dahil madali itong ibaba, lalo na’t may anak pa siyang dumedede. Maraming netizens ang ipinagtanggol siya laban sa mga bashers na nagsabing hindi raw angkop ang kanyang damit sa okasyon. Para kay Bernadeth, wala siyang naapakan at ginawa lang niya ang sa tingin niya ay tama bilang isang proud na ina.
Hindi niya inaasahan na nag-viral ang kanyang video at umabot ng 25 million views. Sa kabila ng mga puna, nanatiling kalmado si Bernadeth at taos-pusong nagpasalamat sa lahat—mapa-supporter man o kritiko. Dahil sa kanyang viral video, patuloy siyang nakakatanggap ng biyaya mula sa mga taong na-inspire sa kanyang kuwento. Umaasa rin siyang makabili ng bagong cellphone para sa kanyang pamilya.
I. Matching Type: Match the words on the left with their correct English translations on the right.
rumampa
suot
umagaw ng atensyon
dumedede
ipinagtanggol
bashers
naapakan
biyaya
nag-viral
proud
a. critics
b. proud
c. blessing
d. defended
e. walked like on a runway
f. caught attention
g. outfit/clothing
h. offended/hurt (someone)
i. breastfeeding
j. went viral
II. Fill in the Blanks. Use the words from the vocabulary matching list
rumampa, suot, umagaw ng atensyon, dumedede, ipinagtanggol, bashers, naapakan, biyaya , nag-viral, proud
Si Bernadeth ay __________ sa stage na parang nasa fashion show.
Ang kanyang __________ na puting damit ay naging usap-usapan online.
Talagang __________ ng kanyang itsura ang mga netizens.
Ipinaliwanag niyang madali ibaba ang damit dahil may anak pa siyang __________.
Maraming netizens ang __________ sa kanya laban sa mga puna.
Hindi niya ikinagalit ang mga __________ sa social media.
Ayon sa kanya, wala siyang __________ na tao sa kanyang ginawa.
Patuloy ang __________ na natatanggap niya mula sa mga sumusuporta.
Hindi niya inaasahang __________ ang kanyang video online.
Ipinakita niyang __________ na ina siya sa kanyang anak.
III. Open-Ended Questions. Discuss your answers with your teacher.
Kung ikaw si Bernadeth, anong klaseng outfit ang isusuot mo sa graduation ng anak mo? Bakit?
Sa tingin mo, tama bang magbigay ng matinding pansin sa kasuotan ng mga magulang sa mga school events?
Ano ang masasabi mo sa mga taong nagbibigay ng puna o "bash" sa ibang tao online?
Kung naging viral ka tulad ni Bernadeth, paano mo ito haharapin?
Sa iyong palagay, paano mo maipapakita ang pagiging proud na magulang sa anak mo sa isang espesyal na okasyon?
Thank you!
Source: https://balita.mb.com.ph/2025/04/17/proud-mom-na-umawra-rumampa-sa-graduation-ng-anak-dinagsa-ng-tulong/
Enjoying my lessons so far? Support my work by buying me a coffee here! It would really mean a lot. Thanks! ~Teacher Larry